ALBAY-NAIHATID na sa Tagkawayan, Quezon ang 27 Bicolanong mag-aaral ng University of the Philippines-Los Banos kung saan isinakay sila sa bus ng Misibis Bay Resort upang ihatid sa lalawigan ng Albay.
Ang mga UPLB student ay tinulungang makauwi sa Albay ng Ako Bicol Partylist sa pangunguna ni Congressman Zaldy Co matapos na ma-stranded sa loob ng nasabing unibersidad dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).
Siniguro ng Ako Bicol na sumunod sa strict Department of Health at Albay Provincial government guidelines at medical checkup at mga Is-ko at Iska bago makapasok sa mga provincial checkpoint.
Daraan din sa mandatory quarantine ang mga mag-aaral bago makauwi sa kani-kanilang mga tahanan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.