293 UNDOCS PINOY MAY APPREHENSION RECORDS

USCIS

USA – NASA 293 undocumented Filipinos sa Estados Unidos na nag-apply sa Deferred Action for Childhood Arrivals (DACA) status ang nadiskubreng inaresto at may  apprehension records, ayon sa US Citizenship and Immigration Services (USCIS).

Ayon sa USCIS’ November 2019 update, nasa 12 percent ng  889,000 DACA requestors, o 118,371 DACA applicants mula sa iba’t ibang bansa ay may record ng arrest o apprehension.

Sa nasabing numero, 293 ay mula sa Filipinas. Ang DACA ay isang American immigration policy na nagpapahintulot sa undocumen­ted immigrants na dalhin ang kanilang anak sa US para makatanggap ng panibagong two-year period ng deferred action mula sa deportation at maging eligible para makapagtrabaho roon.

Ang mga aplikante ay maituturing na hindi sila convicted ng kasong felony, significant misdemeanor, o ng tatlo o higit pang “non-significant” misdemeanors.

Paglilinaw naman na ang DACA requestors ay hindi dapat ituring na banta sa US national security or public safety.

Habang ang pag-aresto ay hindi nangangahulugang disqualified ang applicants na makatanggap ng DACA, ayon pa sa USCIS. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.