NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 298 na nakarekober mula sa sakit na coronavirus disease (COVID-19) dahilan para umakyat na sa 6,252 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling na.
Gayundin, iniulat pa ng DOH na umaabot na sa 26,420 ang kabuuang bilang na kumpirmado sa COVID-19.
Ito ay matapos makapagtala pa ang DOH ng karagdagang 490 pang kaso.
Nabatid na sa mga bagong bilang na ito ay 348 ang fresh cases habang 142 naman ang late cases.
Sa fresh cases ,131 ang mula sa National Capital Region, 79 sa Region 7, ang 138 naman ay mula sa iba pang lugar sa bansa habang sa mga late cases naman, ang 21 ay mula sa NCR, 5 mula sa Region 7 at 116 naman sa iba pang lugar sa bansa.
Samantala, may 10 namang naitalang nasawi dahil sa COVID-9.
Sa ngayon, umabot na sa kabuuang 1,098 ang COVID-19 death toll sa Pilipinas. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.