PARA sa Miami Heat, ang talunin ang Los Angeles Lakers sa Game 3 ng NBA Finals sy higit pa sa krusyal na panalo. Ipinakita nito na kaya nilang manatili at lumaban sa series kahit wala ang dalawa sa kanilang pinakamaaasahang players.
Sa panalo ay balik ang init at kumpiyansa ng Heat kung saan target nilang itabla ang best-of-seven showdown sa Game 4 sa Martes ng gabi (US time) sa NBA bubble sa Orlando. Nabigo ang Miami sa unang dalawang laro kontra Los Angeles ng double-digit margins bago rumesbak sa pamamagitan ng 115-104 panalo noong Linggo para malipat sa kanila ang momentum.
“We’re going to win,” wika ni Heat swingman Jimmy Butler patungkol sa Game 4. “We’re going to compete. We’re not going to lay down; we’re going to fight back in this thing and even it up 2-2.”
Halos mag-isang pinangunahan ni Butler ang Miami sa panalo noong Linggo, sa pagkamada ng 40 points, 13 assists at 11 rebounds sa kanyang unang career playoff triple-double. Nagawa niya ito sa paglalaro ng 45 minuto sa ikalawang sunod na laro, habang nanatiling naka-sideline sina Goran Dragic (foot) at Bam Adebayo (neck/shoulder) dahil sa injuries na kanilang tinamo sa Game 1.
“How else do you say it other than Jimmy effing Butler,” wika ni Heat coach Erik Spoelstra patungkol sa ipinakita ng kanyang star. “This was a very urgent game, and he was doing it on both ends of the court. Just put his imprint on every important part of the game.”
Magandang balita para kay Butler: Si Adebayo ay in-upgrade sa ‘questionable’ para sa Game 4, kung saan ang desisyon ay nasa mga kamay ng medical staff ng koponan. Si Dragic ay muling inilagay bilang ‘doubtful’.
“I’m doing everything I can do,” ani Dragic. “It does feel better than when it happened. But we’ll see. I don’t have a timetable yet.”
Bagama’t ang pagbabalik ni Adebayo ay makatutulong sa Heat, balewala ito sa Lakers dahil sa paniniwalang kontrolado pa rin nila ang series.
“I don’t feel like we’re concerned,” pahayag ni Los Angeles star LeBron James kasunod ng pagkatalo ng kanyang koponan noong Linggo. “We’re not concerned. We know we can play a lot better. We have another opportunity to take a commanding lead on Tuesday. You relish that opportunity.”
Ang Lakers ay hindi pa natatalo ng magkasunod sa lahat ng postseason.
Comments are closed.