3 ASG NA INARESTO SA MALAYSIA, HAWAK NA NG AFP-WESMINCOM

Cirilito Sobejana4

ZAMBOANGA-HAWAK na ng AFP-Western Mindanao Command (WESMINCOM) ang tatlong hinihinalayang miyembro ng Abu Sayaf Group (ASG) na naaresto ng Royal Malaysian Police noong Mayo.

Ito ay makaraang i-turn over ang mga ito ng Malaysian Authorities sa Lokal na Pamahalaan ng Turtle Island sa Tawi-Tawi at WESMINCOM noong Hunyo 7

Kinilala ni AFP WESMINCOM Chief Lt/Gen. Cirilito Sobejana ang tatlong hinihinalang ASG na sina Sison Masillam, Abdulhakim Alih at Ridzwan Julasri

Mismong si Eastern Sabah Security Command chief DCP Datu’ Hazani Bin Ghazali ang nag-turnover sa tatlo kina Sobejana at Turtle Island Mayor Mohammad Faizal Jamalul

Naaresto ang tatlo sa hangganan ng Filipinas at Malaysia sa Great Bakungan Island nuong Mayo a-30 matapos na mawalan ng gasolina ang sinasakyan nilang bangka at mapadpad sa karagatang sakop ng Malaysia kinalaman sa teroristang grupo,” paliwanag ni Lt Gen. Sobejana. REA SARMIENTO

Comments are closed.