CAVITE – Kalaboso ang tatlong drug couriers makaraang makumpiskahan ng P200-K halaga na shabu sa isinagawang anti-drug operation ng mga awtoridad sa bahagi ng Tropical Village, Pabahay 2000 sa Barangay San Francisco, General Trias, Cavite kamakalawa.
Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Saida “Zaida” Amad y Saripada, Jenny “Jen” Largosa y Ranesis, at si Glizel Largosa y Maglente na pawang nasa drug watchlist ng pulisya at mga nakatira sa nabanggit na barangay.
Base sa police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, lumilitaw na magkakasabwat ang mga suspek na nagpapakalat ng droga sa iba’t ibang lugar sa nabanggit na barangay.
Dito na umaskyon ang pinagsanib puwersa ng Drug Enforcement Unit ng pulisya at mga tauhan ng PDEA 4A kaya isinagawa ang anti-drug operation laban sa mga suspek.
Hindi na nakapalag ang mga suspek makaraang makumpiskahan ng 12 plastic sachets na shabu na tumitimbang na 31. 22 gramo na may street value na P200K.
Isinailalim na sa drug test at physical examination ang mga suspek habang pina-chemical analysis naman ang nasamsam na shabu na gagamiting ebidensya sa pagsasampa ng kasong paglabas sa RA 9165. MHAR BASCO
Comments are closed.