NAGHIHIMAS ng rehas na bakal ang tatlong hinihinalang drug pusher sa isinagawang buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Balubad Settlement Brgy. Nangka sa Marikina City.
Kinilala ang mga suspek na sina Teodoro Alburo, alias Dodong, 41-anyos , taxi driver; Ferdinand Panuncio, 22-anyos , construction worker at Marcovan Cahulogan, alias Marco, 20-anyos , security guard na pawang mga residente ng Balubad Settlement, Barangay Nangka.
Nasakote sa inilatag na buy bust operation ng mga operatiba ng Marikina City Police Station Drug Enforcement Unit ang mga suspek sa Block 4, Lot 10, Balubad Settlement, Barangay Nangka Marikina City.
Nakumpiska sa mga ito ang tinatayang humigit kumulang 25 gramo na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P170,000, coin purse at P500 buy-bust money.
Nakapiit na sa Marikina City Police Station Custodial Facility ang tatlong suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa mga ito. ELMA MORALES
Comments are closed.