3 DSWD EXECs SINIBAK

DSWD.jpg

SINIBAK  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DWSD).

Sina Maria Lourdes Turalde-Jarabe, Undersecretary for Promotive Operations and Programs Group, Mae Fe Ancheta Templa, Undersecretary for Protective Operations and Programs Group at Hope Hervilla, Undersecretary for Disaster Response Management Group.

Nabatid na Nobyembre 14 nang ipadala ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang notice of termination sa mga natu­rang undersecretaries na itinalaga ng Pangulo noong 2016.

Si Jarabe ay dating Secretary General ng grupong Gabriela, si Hervilla ay Regional Chairperson ng Bayan Muna at si Templa ay miyembro ng Forum of Women for Action with Rody Duterte.

Sinabi ni Jarabe na nagulat siya sa pagsibak sa kaniya dahil sinunod naman niya ang core values na isinulong noon ni da­ting DSWD Secretary Judy Taguiwalo subalit nagpapasalamat pa rin siya sa oportunidad na ibinigay sa kaniya ng Pangulo para makapagsilbi sa bayan.

Samantala, nilinaw ng Malakanyang na walang kinalaman sa pagiging mi­yembro ng makakaliwang grupo ang pagsibak ni Duterte sa tatlo.

Sinabi ni Medialdea, layon lamang ng DSWD na makabuo ng magandang team kaya tinapos na ang serbisyo  ng tatlo.

“We expect the new secretary to bring his own team to provide better services to the public,” ayon kay ES Medialdea.

Wala aniyang katotohanan ang isyu dahil pawang mga makakaliwa ang mga ito kaya sinibak sa puwesto.

“No naman. Formation of a good team,” diing pahayag ni ES Medialdea.

Comments are closed.