TATLONG taga-Maynila ang gumaling sa coronavirus-2019.
Ang tatlo ay ginamot sa Manila Infectious Disease Center (MIDC) sa Sta. Ana Hospital (SAH).
Gayunman, isang doktor na naninirahan at naglilingkod sa lungsod ang binawian ng buhay dahil sa nasabing sakit.
Ayon kay Mayor Isko Moreno, kasabay ng ulat ay mayroon na namang limang nadagdag sa listahan ng mga nagpositibo kaya umabot na sa 75 ang kaso.
Inatasan na rin ni Moreno si SAH director Dra. Grace Padilla na ihanda ang ospital para sa mas marami pang pasyenteng may kaso ng COVID-19. VERLIN RUIZ