SULTAN KUDARAT-TATLO na namang kasapi ng New Peoples Army (NPA) ang napaslang sa panibagong sagupaan sa pagitan ng mga komunistang rebelde at tropa ng gobyerno sa bayan ng Palimbang sa lalawigang ito .
Sa ibinahaging report ni Col. Eduardo Gubat, commanding officer ng 603rd Brigade Philippine Army na natunton ng kanilang mga tauhan ang kampo ng NPA sa Mount Lumuton sa Palimbang na agad na nauwi sa matinding sagupaan.
Nasamsam sa isinagawang clearing operation sa encounter site ang ilang baril at generator set na pinaniniwalaan inihahanda sa gagawin nilang selebrasyon kaugnay sa kanilang ika-52 na founding anniversary kamakalawa.
Nauna rito, isang hinihinalang miyembro ng NPA ang napatay din sa engkwentro sa pagitan ng mga sundalo ng 75th Infantry Battalion ng Philippine Army at humigit-kumulang 10 rebelde sa bayang ito noong Miyerkules ng hapon.
Ayon sa 75th IB, mga miyembro umano ng Guerilla Front 19 ng Northeastern Mindanao Regional Committee ng NPA, sa ilalim ng isang Mario Himo, ang mga nakasagupa sa Purok Quarry, Sitio Kabalawan, Barangay Anahao Daan, Surigao del Sur. VERLIN RUIZ
Comments are closed.