(3 rehiyon na lang ang apektado) ASF CASES BUMABABA NA

PABABA na ang mga kaso ng African swine fever (ASF) sa bansa, subalit magtatagal ang hog virus tulad ng COVID-19 pandemic, ayon kay Agriculture Secretary William Dar.

Sa Senate budget hearing, sinabi ni Dar na ang ASF ay nasa tatlong rehiyon na lamang mula sa , 12 rehiyon na tinamaan sa kasagsagan ng outbreak noong 2020.

Aniya, pagdating sa mga lalawigan, dati ay 50 ang apektado ngunit ngayon ay lima na lang.

“Dati-rati, nasa 624 cities, municipalities. As of this day, 20 municipalities or cities. In terms of barangay, dati nasa 3,283 barangays. Ngayon nasa 83 barangays na lang,”  dagdag pa nuya.

“So nakikita natin ang pagbaba at sana maki-cooperate ang mga traders at ang karamihan, ang mga hog raisers na backyard, ngayon na nataas na ang indemnification. May kusang-loob na ire-report na nila pero meron pa ring mga hindi nagre-report,” sabi pa ng kalihim.

Sa kabila ng pagbaba, sinabi ni Dar na ang problema sa ASF ay inaasahang magtatagal tulad ng COVID-19.

“Mayron pa po [na kaso] kasi halos lingering ‘yan kagaya ng COVID. Nand’yan kung hindi natin i-observe ang health and quarantine protocol against ASF nandiyan pa palagi.”

6 thoughts on “(3 rehiyon na lang ang apektado) ASF CASES BUMABABA NA”

  1. 537933 690712Jeden Tag stellt man sich die Frage Was Koche Ich Heute?! Zerbrechen Sie sich nicht den Kopf, besuchen Sie uns am besten direkt auf unserer Webseite uns lassen Sie sich inspirieren 384428

Comments are closed.