3 SASAKYAN NAGKARAMBOLA,  1 SUGATAN

bus vs truck

QUEZON – ISA ang sugatan sa naganap na karambola ng isang Cargo truck, P&O bus Transport Corporation at Mitsubishi Wagon sa Brgy. Isabang Tayabas City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Tayabas-PNP ang biktimang nagtamo ng sugat sa paa matapos maipit na si Melvin  Emradura, 33-anyos, helper ng cargo truck, at residente ng Brgy.Mateuna,Tayabas City.

Base sa report ng pulisya, bandang alas-5:55 ng gabi nang banggain ng rumaragasang cargo truck na minamaneho ni Joel Mangcao, 35-anyos, residente ng Brgy. Tongco, lungsod ng Tayabas ang tagiliran sa likurang bahagi ng P&O bus na naging dahilan kung kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang bus driver na si Rolly Daño,35-anyos residente ng Brgy. Hagakhakin, Gumaca, Quezon at bumangga naman ito sa isang wagon na minamaneho ni Brgy. Chairman Pedro Atienza, 57-anyos, ng Brgy. Sto Cristo, bayan ng Sariaya.

Wala namang napaulat na nasaktan sa mga pasahero ng bus at wala ding nasawi sa aksidente maliban sa helper ng cargo truck na agad na dinala sa ospital para lapatan ng pang-unang lunas. BONG RIVERA

Comments are closed.