3 TAONG KONTRATA KAY RAVENA, ALAS

on the spot- pilipino mirror

APRUBADO na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pondong P3.2-M para magamit ni 2020 Tokyo Olympics-bound Carlos ‘Caloy’ Yulo ng gymnastics na target  ang kauna-unahang gintong medalya sa prestihiyosong Summer Games.

Ang hiling na budget ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion-Norton para sa gastusin sa paghahanda ng 49th Artistic Gymnastics World champion sa Summer Games na gaganapin sa 2021, ayon sa PSC,  ay aprubado na ng board.

Sinabi ng gymnastics chief sa online video conference  ng lingguhang TOPS: Usapang Sports na ipinanukala niya ang kabuuang P4-M budg-et sa ahensiya  ngunit hindi niya nakuha ang eksaktong pondo. Gayunman, kinumpirma niyang may naaprubahan nang pondo.

“I ask for P4M, but the board resolution only approves about 3 million. However, we’re not receiving it yet and I wish that I could get the money as soon as possible,” pahayag ni Carrion-Norton.

Hindi umano inayunan ng PSC ang hiling na ito ni Carrion-Norton dahil mayroon na itong natanggap na financial aid mula sa MVP Sports Foundation na nagkakahalaga ng P800,000.

Samantala, patuloy na hinihiling ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa Kongreso na mabawi ang nawalang pondo matapos ilagay ito sa Bayanihan Act I at kunin ang P596 million sa National Sports Development Fund at P773 million General Appropriations Act (GAA) bilang pagtulong sa coronavirus disease pandemic response.

“Right now coach Mune [Munehiro Kugeyama] gave me another budget of P6-million, ang dami-dami na. That’s the work for this Olympic gold medal. But we’ll find more way,” wika ng gymnastics official at sinabing lalapit pa siya kay San Miguel Corporation president and CEO Ramon S. Ang.

“I will still find a way to get more help, but I’m sure the Congress will help, because they see the benefit of Caloy aiming for the gold medal and dedication to do it,” dagdag ni Carrion-Norton.

o0o

Marahil ay matutuldukan  na ang kumakalat na balita na kukunin ng Phoenix LPG Fuel Masters itong si Kevin Alas. Si Alas ay pinapirma na ng tatlong taong  kontrata kamakailan. Gayundin ang kanyang tandem sa hardcourt si Kiefer Ravena.

Ang pagpirma ng dalawa ay sinaksihan nina Rod Rod Franco, MPTC (Metro Pacific Tollways Corp) president and CEO; Luigi Bautista, NLEX president and general manager;  Chris Lizo, MPTC CFO at  alternate governor; at Bobby Bontia, MPT South president.

Hindi mawawala si coach Yeng Guiao at si  NLEX assistant vice president Ronald Dulatre. Congrats kina Kiefer at Kevin.

Comments are closed.