KUMUSTA ang buhay-bahay ka-negosyo?
Nabuburyong ka ba dahil naka-quarantine ka sa bahay? Baka medyo kinakabahan ka na kung may aabutan ka pang kita ka-pag natapos na ang lahat nang ito. Relax ka lang. Ang mahalaga, may ginagawa kang tama na ikagaganda at ikalulusog ng mas nakararaming Filipino sa pagpirmi sa bahay.
Kung nag-isiip ka naman ng negosyo, ang anumang pagkakakitaan habang nasa bahay ka lang, lalo pa’t first-timer ka sa larangang home-based business, ang pitak na ito ay para sa ‘yo.
Tara na at matuto!
#1 Suriin muna sa kung ano ang mayroon ka
‘Di totoong walang-wala kang pagkukunan ng kahit na ano para makapagsimula. Umpisahan mo munang suriin ang iyong saril-ing kakayahan, kaalaman, pagkahilig at gamit na mayroon ka na. ‘Yan ang basehan mo ngayon ng uumpisahan mong pagkakai-taan.
Malamang, kung negosyante ka na ngayon at apektado ang negosyo mo ng Covid-19, mayroon ka nang puwedeng pag-umpisahang muli.
Halimbawa ay ang gamit na cellphone. Isang simple ngunit malaking bagay ang linya ng komunikasyon, anumang uri o hugis nito. Bawat negosyo ay may kailangang paraan ng komunikasyon. Isa ang cellphone doon. Kung may computer o laptop ka, mas ok. Lalo na kung may wi-fi sa bahay, panalo ka na lalo.
Napakalaking bagay ang sariling kakayahan, eksperyensiya, kaalaman at pagkahilig (passion). Kahit na sa ibang larangan ka ngayon, puwede ka pa ring mag-pivot o lumihis ng tatahaking landas ayon sa mga ito. Kung ikaw ay mahilig magsulat, maaari ka nang mapunta sa larangang ito. Marami na ang nangangailangan ng manunulat sa panahon ng teknolohiya. Ang pagiging online tutor ay nababayaran ng hanggang 40,000 pesos kada buwan na ngayon kahit home-based ka lang. Ang mga volgger ay nagsimula mula sa tahanan nila at kumikita ang mga kakilala ko ng hanggang 300,000 pesos kada buwan habang nagba-vlog at naglalaro lang ng online games.
Marami pa ‘yan na iyong puwedeng pagsimulan. Linangin lang ang ideya.
#2 Linangin ang mga ideya
Maraming ideya kang makukuha habang nag-iisip ka ng sisimulang home business habang naka- self-quarantine. Sa totoo lang, baka lumaki pa nga ito at maging permanente na.
Paano ba maglinang ng mga ideya?
Una, pumili ng kakaibang ideya. ‘Di naman kailangang super iba, kundi maaaring isang pagbubuti ng isang ideya o serbisyo o produkto. Basta ang mahalaga, pamilyar ang mga mga magiging kostumer mo at ‘di masyadong kakaiba na mahirap intindihin.
Ikalawa, pumili ng ideya na magtatagumpay kahit sa una ay mabibigo. Halimbawa, ang pagsisimula ng isang blog ay maaring ‘di magtagumpay sa unang pakay nito pero gumaling ka naman sa larangan ng pagsusulat.
Ikatlo, pumili ng ideya kung saan mas excited ka sa paggawa nito kaysa magiging resulta. Halimbawa, noong ako’y magsimu-lang gumawa ng una kong blog, mas-excited ako sa pagssusulat kaysa matamo ang kita dito. Nang lumaon, dumami ang traffic sa blog ko at dito na ako ngayon nagkahanapbuhay. Natuto rin kasi akong ayusin ang pagsusulat ng ayon sa king mambabasa. Nag-saliksik ako at nag-aral ng Viral Marketing sa prestihiyosong graduate school na Wharton Business School. Nagagamit ko ngayon ito nang husto.
Tandaan na sa huli, ang ideyang magtatagumpay ay iyong kaya mong ikuwento sa loob ng isang pangungusap. Ang isang busi-ness plan para rito ay kaya mong iprisinta sa loob ng tatlong minuto. ‘Yan ang ideyang papatok.
#3 Simulan ang pagplano
Bago umaksiyon, siguraduhing plantsado ang plano mo. Kung bago ka pa lang sa larangan ng negosyo, pag-aralan ang iba’t ibang paraan ng business plan na siyang aakma sa ideya mo. ‘Di kasi lahat ng business plan ay swak sa lahat ng klase ng ideya.
Kumonsulta ka sa iba’t ibang eksperto sa larangang gusto mong pasukan. May cellphone ka naman at iba’t ibang pamamaraan para sa video conferencing at iba pa.
Magsaliksik nang husto ukol sa kumpetisyon at industriya na gagalawan mo. Ang sa akin, ang pagsaliksik nang husto sa target mong kostumer ang simulan mo. Madalas kasi, ayos na ang plano pero kulang ang impormasyon ukol sa target mong bibili o ta-tangkilik sa ideya mong negosyo.
Kahit pa nag-pivot ka ng pamamaraan ng pagnenegosyo, parehong dami ng oras ang gugugulin sa pagsaliksik at paglinang sa mga impormasyon.
Konklusyon
Ayon lamang sa tatlong tips na aking nabanggit, isang buong buwan na agad ang gugugulin mo sa paggawa ng mga ito, tama?
Hindi masasayang ang self-quarantine mo. Magiging produktibo ang utak mo. At habang kumakausap at nakikipag-ugnayan ka sa ibang tao sa prosesong ito, pati sila ay naidadamay mo sa magandang paggamit ng oras.
Tatlo lamang ito bilang panimula. Sa susunod na pitak, pag-usapan natin ang pag-aksiyon sa plano mo.
Sa panahon ngayon at kaila pa man, ang mahalaga ay laging kang magdasal at magtiwala sa Diyos na Siyang may tunay na hawak ng magagandang plano para sa iyong buhay. Sipag at tiyaga at ang maayos na relasyon sa kapwa ay pangalagaan lagi – anuman ang marating mo sa buhay.
Si Homer ay isang technopreneur at makokontak sa email niyang chief@negosentro.
Comments are closed.