30% NG NAMAMATAY NA NURSE SA US DAHIL SA COVID-19 PINOY

Nurse

WALANG dapat na ikaalarma ang bansa sa ulat na sa Estados Unidos pa lamang ay mahigit sa 30 porsiyento sa kabuuang bilang ng mga namamatay na nurse doon bunsod ng COVID-19 ay mga Filipino.

Ito ang inihayag ni House Committee on Health Vice Chairman at Anakalusugan Partylist  Rep. Mike Defensor kung saan binigyang-diin niya na ang masidhing dedikasyon sa trabaho at kanilang propesyon ang dahilan kung kaya mas mataas ang exposure ng Filipino nurses sa nasabing sakit.

“Filipino nurses in the United States and other parts of the world are bearing the brunt of the COVID-19 pandemic because of their exceptional work ethic that drives them to spend more days and longer hours in the hospitals where they serve,” pagbibigay-diin ng kongresista.

“Filipino nurses in America, for instance, won’t hesitate to perform additional work on weekends and holidays, or to work the graveyard shift, when their co-workers would prefer to be off duty,” dagdag pa niya.

Kaya naman sinabi ni Defensor na hindi na kataka-taka na mataas ang bilang ng Filipino nurses, partikular ang mga nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa, na tinatamaan ng Covid-19.

Basa sa ulat ng National Nurses United, ang pinakamalaking nurses’ union sa Amerika, 74 sa  245 nurses na nasawi sa coronavirus disease hanggang nitong buwan ng Nobyembre ay mga Filipino.

Bilang tugon dito, sinabi ng Anakalusugan partylist lawmaker na hindi maitatago ang katotohanan na ang Philippine-educated nurses sa California o Texas ay nagagawang makapag-duty sa dalawa hanggang tatlong magkakaibang ospital doon kung kaya mas mataas ang tiyansa na ang mga ito ay tamaan ng sakit.

“They make themselves available when needed, such as when co-workers are suddenly unable to report for work. So, they really are more exposed,” pahayag pa ng mambabatas.

“Many Filipino nurses abroad started out by working and living alone —  away from their family and friends here. This tends to build character as they are forced to rely on their core values in order to survive,” ayon kay Defensor.

Magugunita na inihain ng House panel vice-chairman ang  House Bill 7933, na nagsusulong na doblehin mula sa kasalukuyang salary grade o gawing  P60,901 ang entry-level monthly pay ng government nurses upang mahimok ang mga ito na dito na lamang sa Filipinas magtrabaho sa halip na mangibang bansa. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.