CAMP CRAME – IDINEPLOY ni Interior Secretary Eduardo Año ang 300 miyembro ng PNP-Highway Patrol Group para sa pagsasaayos ng daloy ng sasakyan sa ilalim ng Inter-Agency Council for Traffic o I-ACT.
Inihayag ni Philippine National police chief P/General Oscar D. Albalayde matapos na lumagda sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng PNP, Department of Transportation, MMDA, Metro Manila Council, LTO, LTFRB at kasama maging ang Phil. Coast Guard.
Ayon kay Gen Albayalde, layunin ng nasabing MOA at upang higit pang palakasin ang enforcement capabilities ng binuong Inter-Agency Council for Traffic or I-ACT, sa pamamagitan ng suportang Department of Interior and Local Government.
Layunin ng paglikha ng I-ACT na pag-isahin ang sistema ng traffic management, pagpapaluwag ng daloy ng trapiko, anti-colorum operations at mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko, mga patakaran at regulasyon kasama ang illegal parking.
Inihayag ni Albayalde na nagkasundo sila kahapon ng DOTr at PNP hinggil sa pagtatalaga at deployment ng kanilang mga tauhan at logistical resources, at umayuda sa pangangailangan ng I-ACT.
Sinimulan ng PNP-Highway Patrol Group ang pagde-deploy ng 25 PNP HPG Police Commissioned Officer, 275 Police Non-Commissioned Officer, 24 mobile cars at 82 motorcycle units para magsagawa ng pagpapaluwag ng daloy ng trapiko at maglunsad ng malawakang laban sa mga colorum vehicle sa buong bansa. VERLIN RUIZ
Comments are closed.