NAITALA ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang 31 sunod na araw na walang ‘unloading’ incidents mula Oktubre 16 hanggang Nobyembre 15, 2018.
Ayon sa Department of Transportation-MRT-3 (DOTr MRT-3), ito ang pinakamahabang ‘no offloading’ streak na naitala ng railway system kung saan nahigitan nito ang 29 sunod na araw na walang unloading incidents noong Hulyo 4 hanggang Agosto 1, 2018.
“We attribute the 31-day no-offloading streak of MRT-3 to three things. These are: regular maintenance works of our trains to make sure that we give our commuters a safe and reliable transport every day; availability of spare parts taking note that we are only using original spare parts for our trains; and focus and teamwork,” pahayag ng DOTr MRT-3.
Ito ay kasunod ng paglagda ng Department of Finance (DOF) at ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa P18 billion (38-billion Japanese yen) loan agreement para sa rehabilitasyon ng MRT.
Magbabalik ang Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries ng Japan upang pangasiwaan ang pagmamantina at rehabilitasyon ng MRT3.
Ang Sumitomo-Mitsubishi Heavy, bilang orihinal na MRT3 maintenance contractor, ang nagdisenyo at nagtayo ng mass rail transit system, at nagsilbing maintenance contractor nito sa unang 12 taon ng operasyon.
Naniniwala ang DOF na ang MRT-3 rehabilitation project ang magiging solusyon sa lahat ng problema na kinakaharap ng rail transit.
“It will rehabilitate them all, including replacement of worn out tracks, upgrading the train signaling system, and general overhaul of the 72 15-year-old LRVs (light rail vehicles),” anang ahensiya.
Sa ilalim ng proyekto, ang bilang ng train sets ay gagawing 20 mula 15, dadagdagan ang speed sa 60 kilometers per hour, at babawasan ang oras sa paparating na trains sa 3.5 minuto.
Sakop ng rehabilitation program ang track replacements, general overhaul ng trains, power supply system, overhead catenary system, CCTV system, radio at public address system, signaling system, road-rail vehicles, depot equipment, elevators at escalators, at iba pang station building equipment.
Inaasahang matatapos ang rehabilitasyon sa loob ng 43 buwan – rehabilitation works sa unang 26 buwan, at general overhaul ng 72 light rail vehicles sa susunod na 17 buwan.
Comments are closed.