354 MAHIHIRAP TUMANGGAP NG CRITICAL AID

Senador Bong Go

BATANGAS CITY – NASA 354 maralitang residente ang binigyan ng critical aid ng tanggapan ni Senador Christopher Lawrence Bong Go kaugnay sa health crisis sa bansa.

Bukod sa ipinagkaloob na pagkain ay binigyan pa ng mga bisikleta ang mga residente sa Batangas City para sa araw araw na mga gawain.

Sa harap ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang lokal na opisyal isinagawa ang aid distribution activity kasunod ang pagtupad sa health protocols.

Namahagi rin ng cash assistance sa mga residente ang pamunuan ng DSWD na hindi nakatanggap ng special amelioration program (SAP) mula sa lokal na pamahalaan.

Ipinaabot din ni Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography, sa mahihirap na mamamayan na may mga karamdaman na magtungo sa pinakamalapit na tanggapan ng Malasakit Center para sa tulong medikal.

“Ang inyong kooperasyon at pagmamalasakit sa kapwa ay makakatulong para mapigilan ang pagkalat ng sakit. Kung hindi naman kailangan lumabas ay manatili na lang sa bahay upang maiwasan ang hawaan ng virus,” giit ni Go. DICK GARAY 

Comments are closed.