NASA $4.9 bilyon na investment at $1 bilyon na official development assistance naman ang pasalubong ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang mga kababayan mula sa kanyang pagbisita sa South Korea.
Ganyan naging matagumpay ang South Korea trip ng Pangulo na tunay na pagtatrabaho para sa taumbayan. Bale ang iniuwi ni PRRD ay nasa P55 bilyon na halaga para sa pambansang ekonomiya.
Ikumpara natin ‘yan sa P14.1 bilyon na scam na maaaring naipamulsa na at winaldas ng mga dilaw na kinapapalooban ng P3.5 bilyon na Dengate genocide funds. Ang kay PRRD ay papasok sa kaban ng bayan, ang sa Yellow Dengate Scam ay palabas sa pondo ng gobyerno at naglahong parang bula at naglagay pa sa panganib sa mga buhay ng mga Filipino.
Hinihinalang ang P10.6 bilyon na pondo na hiniling ni dating Health Secretary Garin at ng Philhealth na gamitin umano para sa ghost construction ng barangay health facilities at P3.5 bilyon na para sa Dengvaxia ay inihabol bago mag-eleksiyon kaya nakukulayan talaga ng dilaw na pondong politikal.
Tunay naman kasing tumitining at lumilinaw ang pananagutan ng gang ni Noynoy sa pagkakaineksyon sa may 837,000 mga batang Filipino ng peligrosong Dengvaxia experimental vaccine at coincidence sa paggalaw sa multi-bilyong pondo ng Philhealth para sa ghost projects.
Plunder at genocide ang nararapat na kasong kinakaharap ng mga sangkot dito.
Ayon sa imbestigasyon sa Senado: 1) alam na ng mga nagsabwatan na may ebidensiya na delikado ang Dengvaxia sa mga seronegative o mga taong hindi pa nagkaka-dengue bago pa man pinilit na isyuhan ito ng Certificate of Product Registration ng Food and Drug Administration na kontrolado, 2) ang Phase 3 trial ng Dengvaxia ay hindi pa tapos kung kaya’t malinaw na isinugal ang buhay ng ating mga kababayan para sa sariling kadahilanan ng gang ni Noynoy, 3) mahiwagang hindi lumalabas sa local analyses ang mga ebidensya na nakasasama ito sa mga seronegatives at 4) ang World Health Organization ay hindi dapat inirekomenda ang Dengvaxia maging sa mga lugar na may high prevalence ng dengue.
Inamin na rin naman ng kompanyang manufacturer ng Dengvaxia, bagama’t huli na, na nakasasama ang Dengvaxia para sa mga seronegatives o mga taong hindi pa nagkakaroon ng dengue. Kaya sa pag-aming ito ang lahat ng nagkakasakit at namatay na mga seronegatives ay kagagawan ng Dengvaxia, malinaw ‘yan hindi na kailangan pang palalimin pa ang imbestigasyon. Sa mismong salita na lamang ng manufacturer ay swak na sa korte ang mga ito at ang kanilang mga kinasabwat sa pamahalaan upang mapadali ang pagtuturok nito sa mga batang Filipino.
Sinabi na rin ng ekspertong si Dr. Scott Halstead na napagsabihan na ang manufacturer ng Dengvaxia sa maaaring health disaster nito sa bansa ngunit itinuloy pa rin at nakamamangha ang dami ng mga pinagtuturukan.
Ngayon na sunod-sunod na mga bata ang nangamamatay ay ninenerbiyos ang mahigit sa 800,000 na pamilyang Filipino. Ang hinihintay ng taumbayan ay ang pagpapanagot sa batas ng mga dapat managot mula sa pamahalaan at Sanofi, at bukod sa pagbabalik ng pondo ng pamahalaan ay bayaran ang mga danyos perwisyo na idinulot nito sa bawat apektadong pamilyang Filipino na naulila at ang iba naman ay hindi makatulog sa pag-aalala para sa kani-kanilang mga kaanak. Hindi mababayaran ang katiwasayan, lalo’t ibayong ligalig at kawalan ng kapayapaan ang dinala ng Dengvaxia sa higit walong daang-libong tahanan sa bansa.
Comments are closed.