NAARESTO ng mga tauhan ng PDEA Regional Office-National Capital Region (NCR) ang apat na miyembro ng drug group sa ikinasang buy bust operation sa Quezon City kamakalawa.
Kinilala ang mga suspek na sina Aslimah Lidas y Pamanay, alyas “Ima”, vendor; Mojib Mabini y Gumampo, 24-anyos; Almaira Pamanay y Acmad, alyas “Lai”, 21-anyos at Seif Pamanay y Saumay, alyas “Johari”, 19-anyos.
Napag-alaman sa police report, nadakip ng mga tauhan ng PDEA RO-NCR, Quezon City District Office (QCDO) at QCPD Police Station 5 ang mga suspek bandang alas-12:00 ng tanghali sa parking area ng isang restaurant sa Regalado St. cor. Quirino Highway, Fairview, Quezon City matapos ang pakikipag-transaksyon ng isang PDEA agent bilang poseur buyer.
Nakumpiska mula sa mga ito ang may tatlong piraso ng transparent plastic packs na may bigat na humigit kumulang na 300 gramo ng white crystalline substance o methampetamine hydrochloride na mas kilala sa tawag na “shabu” na nagkakahalagang P 2,040,000.00, isang unit ng black Samsung analog cellular phone at bundles ng buy bust money.
Ayon kay PDEA RO-NCR Regional Director Joel Plaza, sumailalim sa isang masusing imbestigasyon at surveillance ang apat na nasabing suspek bago ikinasa ang drug operation laban sa kanila.
“ Their drug group is responsible in the distribution and sale of illegal drugs at Fairview, as their target area.” giit ni Plaza.
Nahaharap sa kasong violation of Section 5 (Sale of Illegal Drugs) of Article II of the Republic Act 9165 otherwise known as “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang mga suspek. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.