INIHAYAG ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may apat katao ang nasawi at 13 ang nawawalang sa pananalasa ng Bagyong Quinta.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, dalawa sa nasawi ay nalunod, isa ay 60-anyos na residente ng Siaton, Negros Oriental at isang lalaki na di pa tukoy ang edad na residente ng Bindoy, Negros Oriental habang isa pa ang nasawi sa Mogpog, Marinduque at isang 70-anyos na lola na namatay sa loob ng kanyang bahay sa Mauban, Quezon matapos mabagsakan ng puno.
Gayundin ang 13 naitalang nawawala ng NDRRMC dulot ng bagyong Quinta ay kinabibilangan ng 9 na mga mangingisda sa Catanduanes; 1 crew ng Yate na nawala sa Bauan Batangas;1 tinangay ng malakas ng agos ng ilog sa Odiongan, Romblon; 1 mangingisda sa Iloilo at 1 pang lalaki na tinangay ng malakas na agos ng Ilog sa Negros Oriental.
Napaulat din na mayroong isang nasugatan sa Mogpog, Marinduque nang mabagsakan nang gamit sa loob ng bahay.
Patuloy ang ginagawang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na tinumbok ng Bagyong Quinta para matukoy ang mga naging pinsala nito at para mabigyan ayuda ang mga lubhang apektado. REA SARMIENTO
Comments are closed.