QUEZON CITY – NASAKOTE ng Quezon City Police District Special Drug Enforcement Unit (SDEU) ang tatlong kalalakihan at isang ginang sa buy bust operation sa Novaliches kahapon.
Base sa report na isinumite ni SDEU Police Station 4 Chief P/Capt. Dennis Francisco kay QCPD PS4 Commander P/Lt. Col. Rossel I. Cejas, isinagawa ang buy bust operation makaraang makatanggap ng information mula sa concerned citizen na umano’y may nagaganap na transaksyon na pinaniniwalaang illegal drug.
Dahil dito, mabilis na bumuo ng grupo si Capt. Francisco at walang sinayang na sandali ang grupo, mabilis na tinungo ang lugar kung saan nagaganap ang umano’y bentahan ng droga.
Isa sa awtoridad ang nagpanggap na buyer habang ang ibang pulis naman ay nakaantabay at naghihintay lamang ng hudyat mula sa kasama nito.
Naging maingat ang galaw ng mga miyembro ng SDEU dahil ang kanilang aarestuhin ay nasa No. 1 talaan ng drug pusher sa kalakhang Novaliches.
Matapos mag-abutan ang poseur-buyer at ang suspect ay nagbigay na nang hudyat ito kung kaya’t agad na naaresto ang tulak na nakilalang si Rex Duldulao y Francisco, a.k.a. “Buboy”, nasa hustong gulang, may asawa, walang hanapbuhay, at residente ng 402 Regudo Building # 5 Domingo St., Dantes 2 Subd., Brgy. Nagkaisang Nayon kasama ang tatlo pang suspek na hindi pa napapangalanan.
Nasamsam sa mga suspek ang tatlong sachet ng umano’y droga at iba pang drug paraphernalia, cellphone at marked money.
Tinatayang umaabot sa humigit kumulang na P680,000 ang halaga ng mga nasamsam na ipinagbabawal na droga mula sa kamay ng apat na suspek. EVELYN GARCIA
Comments are closed.