APAT na drug personalities ang arestado matapos makumpiskahan ng baril at halos P.4 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang mga naarestong suspek na si Eduardo Sanchez, 47-anyos, (pusher/listed) ng Santos St. Brgy. Niugan; Nicolo Felongco, 36-anyos, (pusher/listed), grab driver; Leo Ponce, 42-anyos, kapwa ng Sta Rita St. Sto Rosario Village Brgy. Baritan, at Marlon Sarmiento, 37-anyos, (user/listed) N. Vicencio St. Brgy. Niugan.
Sa imbestigasyon ni PSSg Salvador Laklaken Jr., dakong alas-2:45 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Rejano sa Sta Rita St. Sto Rosario Village Brgy. Baritan.
Nagawang makapagtransaksiyon kina Sanchez at Felongco ang isang undercover police na nagpanggap na buyer ng P8,500 halaga ng shabu.
Nang tanggapin nina Sanchez at Felongco ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad lumapit ang mga operatiba saka sinunggaban ang mga ito kasama si Ponce at Sarmiento.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 55 gramo ng shabu na tinatayang nasa P374,000.00 ang halaga, isang cal. 45 psitol na may magazine na kargado ng 3 bala at marked money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 16 piraso ng P500 boodle money. EVELYN GARCIA
Comments are closed.