APAT na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang arestado matapos makuhanan ng nasa P81,600 halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl Pamela Joy Catalla, dakong ala- 1:10 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega sa Camella homes Subd. sa Galas St, Brgy. Bignay.
Isa sa mga operatiba na nagpanggap na buyer ang nagawang makabili ng P500 halaga ng shabu kay Menardo Denilla, 29-anyos at Mark Alvin EStrella, 35-anyos ng Galas St. Brgy. Bignay.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 5 gramo ng shabu na tinatayang nasa P34,000 ang halaga, marked money, P300 cash, dalawang cellphones at isang motorsiklo.
Bandang 11:30 naman ng gabi nang masakote rin ng kabilang team ng SDEU sa buy-bust operation sa kahabaan ng Joy St., Brgy. Punturin si Raymond Dinglasan, 38-anyos, at Ernesto Rodriguez, 51-anyos matapos bentahan ng P1,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Narekober sa mga suspek ang nasa 7 gramo ng shabu na tinatayang nasa P47,600 ang halaga, marked money, P790.00 cash, dalawang cellphones at isang kulay green na Honda Civic (WCU-367). VICK TANES
Comments are closed.