LIMANG major combat sports ang bubuo sa darating na Laro ng Lahi-Ifugao na gaganapin sa bayan ng Lagawe sa weekend.
Itatampok ang boxing, wushu, wrestling, weightlifting, at taekwondo sa all-women event na nakatakda sa July 8-9.
May kabuuang 400 kalahok ang sasabak sa two-day meet na idaraos sa Lagawe Town Plaza at Village Park.
“The project is to support the grassroots program of Ifugao and mandated by the Philippine Commission on Women na laging nagpapa-alala na huwag kalimutan ang indigenous sports,” pahayag ni PSC commissioner Bong Coo sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.
“Since tinutulungan namin ang Ifugao sa grassroots program at tsaka maraming IP (Indigenous People) sa kanila, so kinausap namin sila kung puwede kaming magsagawa ng IP sports dun.”
Ang meet ay sa pakikipagtulungan nina Ifugao Governor Jerry U. Dalipog at Executive Assistant Agustin Calya-en.
Idinagdag ni Coo na magiging bahagi rin ang ethnic cultural games sa calendar of events.
Ang cultural sports, siyam sa kabuuan, ay kinabibilangan ng labba race, guyyudan (tug of war), kadang-kadang, dopop di babuy, manbayu, hanggul, huktingan, bultung, at dopap di manuk.
Bilang dagdag na insentibo, ang provincial government ng Ifugao ay nagsagawa ng sarili nitong coaching certification sa technical officials na lalahok.
Kasabay nito, ang local government ay kasalukuyang nagtatayo ng isang covered court para tuluyan ng kanilang local athletes.
-CLYDE MARIANO