400 MGA BATA  BINAKUNAHAN SA VALENTINE’S DAY SA CAGAYAN

TUGUEGARAO CITY-May 400 mga bata na edad 5 hanggang 11 anyos ang binakunahan kahapon, Valentine’s Day, sa SM Center Downtown.

Ayon kay Assistant mall manager Romel Uy, una ang mall sa vaccination center sa siyudad para sa edad 5-11 na walang co-morbidities.

Sinalubong ang mga bata ng mga lobo, costumes at party hats.

Sinamahan ng mga magulang ang mga bata para maproteksiyunan ang mga ito laban sa bayrus.

“Hindi po ako natatakot, gustong gusto ko na po magpabakuna para makalabas na din po kami ng bahay,” ayon kay Joyca Bangayan, 10-anyos sa Brgy. Capatan.

Para sa nanay na si Cherry Attaban ng Cataggaman Pardo, ninerbiyos siya sa una pero nakalma rin dahil matitiyak niyang ligtas na ang mga anak niya.

Una na ring aprubado ang National ID registration ng mga bata edad-5 pataas umpisa noon January 26 sa mall. ROSENDA ALLUAD-VISAYA