NANAWAGAN si House Committee on Labor and Employment at 1PACMAN Partylist Rep. Enrico Pineda sa gobyerno na tulungan ang nasa 431 seafarers na stranded ngayon sa dalawang hotel sa Metro Manila.
Batay sa reklamong nakarating sa kanyang tanggapan, buwan pa lamang ng Oktubre ay stranded na sa dalawang hotel ang mga seafarer at wala rin silang natatanggap na kompensasyon o allowance at hindi rin nakakakain ng sapat.
Ang 431 stranded seafarers ay empleyado ng CF Sharp Crew management Incorporated at dapat sana ay nakatakdang sumakay ang mga ito sa cruise ship noong October 30 pero naurong ng November 29 at hindi rin natuloy.
Hanggang ngayon, aniya, ay wala pa ring balita mula sa kanilang manning agency at apektado na rin ang physical, mental at emotional health ng mga seafarer.
Nakadagdag pa sa hirap ng mga stranded seafarer ang mga pamilyang umaasa rin sa kanila ngayong pandemya.
Dahil dito ay kinalampag ni Pineda ang Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine Overseas Employment Ad-ministration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na makialam na sa problema at magpaabot ng tulong sa mga stranded seafarers at sa kanilang pamilya.
Pinag-aaralan naman ng kongresista ang pagsasagawa ng kanyang komite ng imbestigasyon sa sitwasyon ng mga stranded sea-farer at ang posibleng pagpapanagot sa manning agency. CONDE BATAC
Comments are closed.