BULACAN – UMABOT sa 46 katao na kinabibilangan ng 27 drug pushers ang nadakip sa magdamag na operasyon ng Bulacan-PNP matapos paigtingin ang pagpapatupad ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) na nakasentro sa ilegal na droga at iba’t ibang uri ng kriminalidad sa Bulacan kamakalawa.
Base sa report ni P/Col.Chito Bersaluna, Bulacan police director, kabilang sa 13 wanted person na nasakote ng Tracker Team ng Bulacan-PNP ay si Anthony Decilo, No. 4 sa top most wanted person sa Meycauayan City na nasakote sa Barangay Perez ng nasabing lungsod na may kasong attempted homicide.
Umabot naman sa 27 sangkot sa droga ang nadakip sa serye ng buy bust operation ng Drug Enforcement Unit (DEU) sa Meycauayan City, Bocaue, Balagtas, San Ildefonso, Plaridel, Norzagaray, Obando, Malolos City at San Jose del Monte (SJDM).
Kabilang sa mga narekober sa anti-drug war sa nasabing mga bayan at siyudad ang isang caliber .38 revolver, isang caliber .22 revolver, mga bala bukod pa sa 74 na pakete ng shabu at buy bust money at karamihan sa tulak na nadakip ay nasa PNP/PDEA watchlist.
Anim pang suspek ang nadakip sa police response sa bayan ng Balagtas, San Ildefonso, San Jose Del Monte City at Plaridel dahil sa iba’t ibang kasong kriminal na kinasangkutan.
Nakumpirmang may direktiba si PBrigGen. Rhodel Sermonia, Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3) na palakasin pa ang pagpapatupad ng SACLEO na nakatutok sa pagsugpo sa droga o mas higit na kilala sa tawag na Project Double Barrel Reloaded na target din ang mga MWP sa iba’t ibang kasong kinasasangkutan. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.