48TH IB NG ARMY MAY BAGONG COMMANDER

army

BULACAN – NAGPALITAN ng puwesto sa 48th Infantry Battalion ng Philippine Army sa  Brgy. Sampaloc  sa bayan ng Doña Remedios Trinidad.

Tinanggap ni Incoming 48 IB Commander Lt.Col. Felix Emetrio M. Valdez, INF, GSC PA ang  bandila mula kay outgoing Battalion Commander Lt. Col. Arnel Cabugon na malilipat sa general headquarter sa Civil Relation Service na sinaksihan ni Acting 7th Infantry Division Commander B/Gen. Lenard T. Agustin ang turn-over kasama sina B/Gen.Tolentino at 84th IB Battalion Commander Lt. Col Jorge Bergonia.

Sa mensahe ni Lt.Col.Cabugon nagpasalamat siya sa  kanyang mga tauhan na nakasama niya sa loob ng dalawang taon na tour of duty, maging sa mga team leader ng Alpha, Bravo, Charlie at Delta Company na walang sawang  nagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan.

Hinimok din ng opisyal ang kanyang mga  tauhan na suportahan din nito ang bagong tala­gang Battalion commander na si Lt. Col. Valdez.

Samantala, pinaalalahanan naman ni 7th Infantry Division Commander Bgen. Agustin, ang kanyang mga  tauhan na  kumilos ng maayos sa itinatadhana ng batas,o sumunod sa mga ipinatutupad na panuntunan.

Dumalo rin sa  naturang okasyon  sina  incumbent  DRT Mayor Ronaldo T. Flores, ABC Presidente Piadozo at ilan pang  lokal na opisyal ng pamahalaan. THONY ARCENAL

Comments are closed.