5 BEBOT NAMEKE NG SWAB TEST RESULTS KINASUHAN

swab test

AKLAN – KINASUHAN ang limang turistang nagpakita umano ng pekeng swab test results ng COVID-19 upang makapasok sa isla ng Boracay.

Ayon kay P/Maj. Jonathan Pablito, hepe ng Malay Police Station na kasong paglabag sa falsification by private individual and use of falsified documents (Art. 172 ng Revised Penal Code) ang isinampa kina Geraldine Tabious Yangson, Anna Karenina, Aldrin Cruz, Jeffrey Ortaliza at Margarita Amparado, pawang mga taga-Metro Manila.

Gayunpaman, habang naka-quarantine sa Aklan Training Center sa Barangay Old Buswang, Kalibo ang mga kinasuhan ay  isinailalim ang mga ito sa swab tests at negatibo naman sa COVID-19  dahilan na hindi na nadagdagan ang kanilang kaso.

Nauna nang kinumpirma ng isang diagnostic center sa Mandaluyong City na pineke ng mga nasabing turista ang kanilang RT-PCR test results.

Nakabalik naman sa Maynila ang mga kinasuhan matapos pansamantalang makalaya.

Comments are closed.