PUNTIRYA ng Philippine Taekwondo team ang limang gold medals sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa Nobyembre 30-Disyembre 11.
Ayon kay Philippine Taekwondo Association (PTA) Executive officer Sung-Chon Hong, nakahanda at mataas ang morale ng kanyang mga atleta dahil sa all-out support ng federation at ng Philippine Sports Commission (PSC).
Kaugnay nito, ang Pinoy jins ay nakatakdang sumailalim sa 10-day training sa South Korea sa katapusan ng Oktubre.
“This training by the taekwondo jins, supported by the PSC, is our push towards our aim to winning the medals in the SEA Games,” wika ni PSC Chairman William Ramirez.
“Although the SEA Games are not about edging out our friend countries, the nation is also looking at how and on how competitive our athletes have become. It is imperative for the PSC to support our athletes as much as it can,” dagdag pa niya.
Tiniyak ni Hong, na ang mga atleta ay nagkasya lamang sa 2 gold, 3 silver at 4 bronze medals noong 2017 SEA Games, ang mas matikas na performance sa nalalapit na biennial meet.
“I think we can win around five gold medals,” ani Hong.
Tumanggi ang PTA executive na tukuyin ang siguradong gold-medal winners, subalit binanggit ang mga pangalan nina Pauline Lopez, Elaine Alora at Butch Morrison, gayundin ng decorated men’s poomsae squad nina JR Reyes at Dustin at Raphael Mella at ang women’s team nina Juvenile Faye Crisostomo, Rinna Babanto at Janna Oliva.
Comments are closed.