LIMANG Pinoy tracksters ang sasali sa Olympic qualifying sa pag-asang makasama si pole vault specialist Ernest John Obiena sa 2020 Summer Games.
“PATAFA will send five best athletes to compete in the Olympic qualifying. Hopefully, they would make it and join Obiena,” sabi ni Edward Kho.
Ang limang Olympic aspirants, ayon kay Kho, ay sina sina Brazil Olympic campaigner Eric Shawn Cray at fellow Filipino-Americans Natalie Uy, Kristina Knott, William Morrison at local boy Aries Toledo.
Nanalo sina Uy sa pole vault, Knott sa 200m, at Cray sa 4x100m mixed relays sa bagong SEA Games records. Si Morrison ay nagwagi sa discuss throw sa una niyang pagsali sa SEA Games habang matagumpay na naipagtanggol ni Toledo, tubong Kuyapo, Nueva Ecija, ang korona sa ten event decathlon na napanalunan niya sa Malaysia noong 2017.
Kung makalusot sina Uy, Knott, Cray, Morrison at Toledo sa matinding pagsubok, ito na ang pinakamalaking bilang ng atleta sa athletics na sasabak sa Olympics.
Sina Cray at Mary Joy Tabal ang huling Pinoy na sumali sa athletics sa 2016 Brazil Olympics kung saan nanalo si Hidilyn Diaz ng pilak sa weightlifting. CLYDE MARIANO
Comments are closed.