HANDA ka na bang lumaki ang negosyo mo?
Aba’y dapat napag-isipan mo na rin ang bagay na ‘yan dahil lahat naman siguro ng mga negosyante ay may hangad na palakihin ang kanilang mga startup.
Pero sa totoo lang, may mga ilang nagnenegosyo na tila kuntento na sa laki at lawak ng kanilang mga negosyo. Ang Kipps Chicken na sobrang sarap at ilang dekada na ay sa iilang malls lang matatagpuan. Tila ok na sila sa ganoong negosyo.
Sa ganang akin naman, ok na ako sa mga ilang negosyo ko na maliit lamang dahil ako naman mismo ang nagpapatakbo at nais kong alagaan lang ito sa ganoong sukat.
Ngunit may mga negosyo naman akong pinalalawak ko sa abot ng aking makakaya lalo na’t may kaugnayan sa teknolohiya.
Kaya kung nais mong maghanda para lumaki ang negosyo mo, narito ang ilang tips upang paghandaan ito. Tara na!
#1 Maayos na Management o Tagapamahala
Kung napansin ninyo ang mga lumalaking negosyo ng mga Tsino, bata pa lang ay tinuturuan na ng mga magulang ang kanilang mga anak na hu-mawak ng negosyo. Ganito rin ang dapat gawin. Maaga pa lang, nagsasanay na ng mga susunod na management o tagapamahala ng negosyo para sa gayon, ang pagsalin ng pamamahala ay maayos. Marami kasing mga paraan ng pamamahala sa iba-ibang negosyo ang dapat masunod.
Ang pagsasanay ng susunod na tagapamahala ay ‘di lamang sa iisang tao kundi isang team din ito. Dito rin lalabas ang halaga ng eksperyensiya ng grupo na susunod na mamamahala. Pag-isipan mo ang bagay na ito habang maliit pa lang ang negosyo mo para ‘di ka mabigla kapag nakita mong han-da ka nang lumaki.
#2 Pagsaayos ng mga Sistema at Proseso
May isa akong partner sa negosyo na laging abala sa pagsaayos ng mga sistema at proseso sa mga negosyong magkasama kami. Noong una, ‘di ko maintindihan kung bakit ito lagi ang pinagkakaabalahan niya. ‘Yun pala, pinaghahandaan niya ang paglaki ng negosyo. Sabi niya, mas madaling isalin sa ibang management ang pamamahala ng negosyo kung isasalin mo na lang ang sistema at proseso na aming nakagawian.
Tama naman, ‘di ba? Kaya nga sa ibang negosyo namin, mahalaga ang isang operations manual. Sa iba naman na nagprangkisa ng negosyo, mahala-ga rin ito dahil kung iisipin mo ang training ng mga tao sa iba’t ibang lugar, mahirap itong gawin kung walang nakasulat na manual.
Kaya sa umpisa pa lang, isulat ang lahat ng mga gawain at ilagak na kasama sa mahahalagang sistema o proseso. Pagkatapos nito, buuin ang isang operations manual. ‘Yan mismo ang umpisa ng iyong sistema na maaari mong isalin sa susunod na tagapamahala.
#3 Pananatili ng Tamang Kultura
Sa lahat ng malalaking negosyo na alam mong nagsimula sa maliit, pansinin mo ang kultura. Ano ba ang tamang kultura na kanilang naisalin-salin?
‘Di lahat ng kultura sa isang organisasyon ay nasa tama. Kailangan mo itong ayusin at bantayan habang maliit pa lamang. Ganoon din naman ang trato mo sa iyong pamilya o mga anak, ‘di ba? Kung paano mo nais maayos ang samahan ng pamilya mo, ganoon din sa larangan ng negosyo. ‘Di ba parang pamilya na rin ang mga kasama mo sa negosyo?
Magkaroon kayo ng panuntunan na siyang magbubuklod-buklod sa inyo.
Halimbawa, sa aking mga lumagong negosyo, inilalagak ko ang pagsasanay ukol sa 7 Habits ni Steven Covey. Kailangan, sumailalim sila sa train-ing dito sa loob ng unang buwan nila sa trabaho ukol dito.
Maraming panggagalingan na libro ukol dito. Ang mahalaga, maisaayos mo ang kultura ngayon pa lang.
#4 Teknolohiya
Napakadaling maiangat ang negosyo sa susunod na antas kung nakaayon ang teknolohiyang gamit sa negosyo.
Ang simpleng online banking ay isang teknolohiyang puwede mong gamitin. Sa aking ibang negosyo, nakakabit ang GCash at EON Bank sa tina-tawag na digital banking. Dahil dito, mas mabilis ang mga transaksiyon sa larangan ng kaperahan. Sa aking mga munting negosyo sa Internet, kaakibat ko ang Paypal at Payoneer. Sa katunayan, ang EON Bank account ng negosyo ay nakakabit sa Paypal at Payoneer dahil sa mas madali ang payout.
Gumamit ka ng mobile apps at web apps na magpapadali ng proseso at sistema. Marami riyan, at libre pa nga ang karamihan. Lalo na sa larangan ng accounting, mas makikita mo ang halaga ng teknolohiya.
Subukan mo, ngayon na!
#5 Alagaan ang integridad
Sa nakaraang pitak ko ukol kay Mr. John Gokongwei Jr., naisulat ko ang halaga ng integridad sa pagnenegosyo. Maaari namang sabihing kasama ito sa kultura na nais mong ipalaganap sa organisasyon mo, ‘di ba?
Inihiwalay ko ito dahil sa lahat ng bagay na ukol sa buhay at negosyo mo, mahalaga ang integridad. Dito kasi nasusukat ang kakayahan ng organ-isasyong lumaki. Tandaan na ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mas mapagkakatiwalaan sa malaki.
Pagtatapos
Sa kahit na anong negosyo, mahalaga ang sipag at tiyaga at ang pagiging masinop sa lahat ng bagay. Tandaan mong ang mga bagay na ito ay siya mismong prinsipyong iyong pinahahalagahan sa ngayon na maliit pa lang ang negosyo mo, ‘di ba? Isama mo lagi ito sa mga bagay na pahahalagahan ng iyong mga tauhan at managers.
Buong tapang mong harapin ang bukas. Ipagpatuloy ang positibong pananaw at kilalanin ang kakayahan mong lumago. Higit sa lahat, mangarap pa-ra sa kinabukasan kasama ng pagtiwala sa sarili at pananampalataya sa Diyos.
o0o
Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na [email protected].
Comments are closed.