MAGANDANG araw, ka-negosyo! Kumusta ang buhay at negosyo mo ngayong panahong ito? Siguro naman, nakaka-adjust ka na sa ating ‘new normal’. Ito ‘yung pagkakaroon ng iba’t ibang health protocols upang maiwasang kumalat ang coronavirus. At dahil nga dito sa COVID-19, maraming tao ang nawalan ng trabaho at nagsara ang mga negosyo. Sa pitak na ito, magsisimula tayong magbahagi ng mga ‘Tagumpay Tips’ mula sa iba’t ibang tao na naging matagumpay sa kanilang mga larangan. Sa araw na ito, alamin natin ang 10 tips mula sa batikang digital media guru na si Gary Vayner-chuck – o tinaguriang Gary Vee. Si Varnerchuck ay isang Amerikanong ipinanganak sa Soviet Union (Russia na nga-yon). Napunta sila sa Amerika noong tatlong taon pa lang siya. Nagawa niyang palakihin ang negosyo ng pamilya mula $3 million sa $ 60 million! Ngayon, may-ari siya ng isa sa pinakamalaking kompanya ng digital media (Vaynermedia) sa New York. O ano, tara na at matuto!
#1 Isabuhay mo ang iyong mga passion, hobby at kaligayahan
Ano ba ang hobby mo? Sabi kasi ni Vaynerchuk, simula daw noong pagkabata niya, ang hobby niya ay ang magnegosyo. ‘Di raw siya talaga mahilig mag-ski, maglaro ng games at kung ano-ano pa. Sa totoo lang, nung bata pa si Vaynerchuk, nagpatakbo ito ng isang franchise ng lemonade stand sa komunidad nila. Siya raw mismo ay isinasabuhay ang kanyang mga ninanais sa buhay dahil para sa kanya, hindi ito uri ng pagtatrabaho kundi parte na ng kanyang buhay.
#2 Mahalin ang pagtatrabaho
Mahal mo ba ang ginagawa mong trabaho? Kung ‘hindi’ ang sagot mo o kaya’y ‘di ka sigurado, baka kailangan mo nang ma-ghanap ng ibang trabaho. Ayon kay Gary Vee, ang kanyang pamilya ay namulat sa pagtatrabaho nang maaga. ‘Di nila inalintana ang ginagawa ng iba dahil nga alam nila kung anong saya ang naibibigay ng pagtatrabaho nila – sa mga bagay na mahal din naman nilang gawin. Karugtong ito ng unang tip ni Vaynerchuk na isabuhay ang passion. Kasi nga naman, kung ginagawa mo ang mahal mong gawain – o massion mo nga ito – ‘di mo talaga iisiping nsgtatrabaho ka.
#3 Alamin ang puwede mong i-offer nang libre
Sa isang podcast, may kausap si Vaynerchuk na isang lalaki na Chef na nais palawigin ang kanyang gawain sa komunidad. Nang malaman ni Gary Vee na ito’y papayag na maghasa ng mga kutsilyo ng ibang restawran, sinabi niVaynerchuk na ito nga ang tamang gawain upang lalong mapalawig ang kanyang koneksiyon. Pero ang idinagdag ni Gary Vee ay ang pagtutok lamang sa li-mang pinakamalaki at maayos na kausap na restawran sa nasasakupan. . Na ang hangad ay maipakilala ang sarili at gamitin ang social media sa ‘pagyayabang’ o pagpapakilala. Ayon kay Vaynerchuk, sa 50 pag-talk niya sa mga event sa isang taon, karamihan dito ay libre. Isang panuntunan lang ang hiling niya sa mga nag-iimbita sa kanya – na napakalaki dapat. ng manonood at makikinig sa kanya. Ito kasi ang paraan niya ng pag-promote sa sarili na kanya namang nagawa sa kasalukuyan.
#4 Matuto ka na makita ang trends
Kung nalaman mo lang na lalago ang mga negosyong tulad ng Mang Inasal, Jollibbee at Potato Corner, siguro hinanap mo na sila noong nag-uumpisa pa lang sila at nag-invest ka. O kaya’y kung nalaman mo lang na lalabas na 20x ang halaga ng Bitcoin, sana bumili ka na rin noon. ‘Yan ang pag-iisip ng normal na taong naghahanap ng mga oportunidad. Ngunit sa halip na maghanap ng mga oportunidad, maghanap ka ng mga trend. Ang trends ay ‘yung mga bagay na magiging magandang negosyo sa loob ng tatlong taon at pataas. Kung mga tatlong buwan lang ito magtatagal, ‘fad’ ang tawag doon. Halos walong taon na ang nakararaan nang mag-invest ako sa Bitcoin na PhP 30,000 lamang ang halaga noon. Nagulat ako nang magising na lang ako na umabot sa halos 1 million pesos ang bawat isa niyo. Ngayon, nasa 500,000 pesos ang isa. Alam mo na, ‘di ba? Isa pang trend na nakita ko ay ang blogging. Mahigit 15 taon na ang nakararaan nang simulan ko itong subukan. Naging negosyo ko ito mula pa sa Amerika noong 2011. Ngayon, ito na ang mismong negosyo ko kung saan nakapagtayo ako ng 30+ na websites na binabasa sa 188 na bansa Ikaw, ano ang nakikita mong trends? Magsaliksik at pag-aralan ang pulso ng mga tao.
#5 Huwag basta-basta makikinig sa ibang tao
Nasabihan ka na ba ng ibang tao na ‘loser’ ka? Noong bata pa ako, madalas akong sabihan ng nanay ko na sadyang mahina ako sa math. Tila naipit daw ang isang parte ng utak ko noong ‘di sinasadyang maipit ang ulo ko sa isang cabinet. Dumaan ang mga panahon, naging pinakakinatatakutan kong subject ang kahit na anong may math. Kaya nga noong kolehiyo ko sa UP ay bumagsak nga ako sa math ng dalawang beses. Noong nagsimula na akong magtrabaho, ang unang salang ko ay sa paghawak ng mga numero dahil nasa media department ako ng isang advertising agency. Dito kasi sa departamentong ito ginagawa ang budget para sa mga ads. Nahasa ako dito nang husto. Kaya noong naging head na ako ng media department sa Magnolia (gumagawa ng ice cream at iba pa), sa sobrang bihasa ko sa numero, kaya kong mamemorya ang mga ratings ng mga palabas sa TV, gayundin sa radyo. Nakalimutan ko na nga ang mga sinasabi ng nanay ko noon. Magaling din pala ako sa math! Iyan ang sinasabi ni Vaynerchuk din. Kung nais mong makaungos sa buhay, huwag kang making sa iba lalo’t patungkol sa kakayahan mo at patutunguhan mo.
Pagtatapos
Bawat isa sa atin ay may tinatawag na internal compass. May kanya-kanya tayong purpose sa buhay o kakayahang magpapaungos sa atin na galing sa Diyos. Ang tanong, sino nga ba ang ating pinakikinggan? Ang bawat plano ng Diyos sa atin ay perpekto. Nais Niya tayong magtagumpay sa larangan na inilaan sa atin. Hanapin lang natin ito sa pamamagitan ng pagdarasal at ang taimtim na repleksyon. Nasa puso natin iyan. Mahirap maging entrepreneur. Marami kang kinakaharap sa araw-araw. Ngunit kung kaya mong i-organisa ang iyong pag-iisip at mga desisyon ukol sa iisang layunin, magtatagumpay ka rin.
Tandaan na sa lahat ng bagay, sipag, tiyaga at pagdarasal ang mahalaga. Hanggang sa muli mga ka-negosyo!
Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na [email protected]
Comments are closed.