MAHIGIT sa 500 taekwondo jins mula sa buong Luzon ang nakatakdang lumahok sa Philippine Sports Commission (PSC) – Women in Action Kyorugi tournament na aarangkada ngayon sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.
Ang two-day event ay isa sa mga unang proyekto ng Women in Sports movement kasama si PSC oversight Commissioner Olivia “Bong” Coo, na naglalayong magkaroon ng malawak na partisipasyon ang young women, 18 and below sa combat sports.
“Time and time again, our women athletes have proven their excellence and ability to win medals in combat sports, like in the recent 32nd SEA Games in Cambodia. We want to build on that momentum and further strengthen women’s participation through this event,” wika ni Commissioner Coo.
Inaasahan din ang paglahok ng taekwondo athletes mula sa national training pool sa games, na may nakatayang 84 gold, 84 silver at 168 bronze medals sa iba’t ibang kategorya para sa Novice 1 (Yellow & Blue), Novice 2 (Red & Brown) at Advanced (Black) events
“We thank the Philippine Taekwondo Association (PTA) for partnering with us in the hosting of this tournament by providing coaching and technical assistance to all our participants,” dagdag ng lady commissioner, na ginawaran kamakailan ng World Women Leadership Congress Awards ng “Woman Leader Award” para sa kanyang outstanding achievements bilang isang atleta at sports leader.