CAVITE- UMABOT sa limampu’t isang barangay sa Rehiyong CALABARZON ang kinilala ng DILG bilang National Passers para sa 2023 Seal of Good Local Governance for Barangay o SGLGB.
Nangangahulugan ito na nagpamalas ng natatanging galing sa iba’t ibang aspeto ng pamamahala sa kanilang nasasakupan noong nakaraang taon ang mga Barangay mula Angono, Candelaria, Carmona City, Calauag, Dasmariñas City, General Trias City, Indang, Infanta, Lipa City, Lumban, Magdalena, Mendez, Morong, Noveleta, Tagaytay City, Tanza, Ternate, Tiaong, Trece Martires City, Rosario, at Sta. Rosa City, na siyang binigyan ng SGLGB.
Ayon sa DILG, umaasa sila na ipagpapatuloy ng mga ito ang pagkakaroon ng mahusay, matino, at maaasahang lokal na pamahalaan.
SID SAMANIEGO