53  KATAO NA PALUTANG-LUTANG SA DAGAT NA-RESCUE NG NAVY

PHILIPPINE NAVY

LABING-ISANG tripulante at 42 pasahero ang nailigtas ng mga kagawad ng Philippine Navy habang nagpapalutang-lutang lulan ng isang lantsa sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi.

Sa ulat ng Philippine Navy, nirespondehan ng Naval Task Group Tawi-Tawi sa ilalim ng Joint Task Force Tawi-Tawi ng  Western Mindanao Command  ang distress call hinggil sa 53 crew at pasahero ng isang  Motor Launch (M/L) boat  kamakalawa.

Ayon sa PN, matapos na makatanggap ng distres call ay agad na nagsagawa ng rescue operation ang isang Multi-Purpose Attack Craft (MPAC) ng Navy.

Ang  motor launch boat ay nakarehistro bilang M/L YASDA II.

Bago ang rescue operation ay inatasan ng Commander Naval Task Group Tawi-Tawi ang isang PN vessel na magsagawa maritime patrol operations at magkaloob ng tulong / rescue operations sa  M/L YASDA II.

Napag-alaman na nasira ang engine transmission  ng lantsa habang patungo sana ng Taganak Island, Tawi-Tawi kaya nagpalutang-lutang na lamang ito sa bisinidad ng  South East ng  Bongao, Tawi-Tawi.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.