5,310 PUVs ‘DI NAG-RENEW NG PRANGKISA

AABOT sa 5, 310 public utility vehicles (PUVs) ang hindi nag-renew ng kanilang prangkisa o umalis na sa industriya.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), pinakamarami rito ay ang mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) na may 3, 545.

Sinundan ito ng city at provincial buses na may 1, 486.

Mayroon namang 353 bagong unit ng jeep ang nagparehistro sa LTFRB, pero paliwanag ng ahensiya, hindi pa ito magre-reflect sa datos dahil sa mataas na operation cost.

Sa ngayon, tinatayang 26,000 provincial bus workers ang nawalan ng trabaho dahil sa patuloy na taas-presyo sa langis.

Kabilang sa kanila ang mga driver, konduktor at ticket seller.

– DWIZ 882