KARAMIHAN sa mga Pinoy ay walang investments, ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno.
Ginawa ni Diokno ang pahayag kasabay ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng katatagan sa pananalapi sa gitna ng pagbagsak ng ekonomiya dulot ng COVID-19 pandemic.
Sa Pru Life UK Investments’ Pilipinas Rising Up webinar, sinabi ni Diokno na bagaman lumalawak ang pagtanggap sa insurance, investments, at iba pang financial tools, marami pang dapat gawin upang mas maraming Filipino ang mag-invest.
Aniya, batay sa 2019 Financial Inclusion Survey, 75 porsiyento o 54 milyong Filipinos ang walang investments.
“While this figure may be disappointingly low, it shows, however, immense room for growth in the investment market,” sabi ng central bank chief.
“Aside from deposit accounts, loans, and payment services, affordable retail investment products should be among the regular Filipinos’ arsenal of financial tools,” pagbibigay-diin niya.
Sinabi pa ni Diokno na mula 2017 hanggang 2019, ang mga Pinoy na may investment ay tumaas lamang ng 2 percentage points mula 23 porsiyento sa 25 porsiyento.
Marami aniyang Filipino ang iniisip na magastos ang mag-invest at hindi batid ang kahalagahan nito bilang dagdag na mapagkakakitaan.
“Investments provide people the means to enhance their financial health as well as to protect their welfare against economic risks and sudden downturns such as this ongoing pandemic,” dagdag pa ni Diokno.
Comments are closed.