571 CONTACT TRACERS SUSUPILIN ANG COVID-19

CONTACT TRACERS

BAGUIO CITY – SISIKAPIN ng 571 contact tra­cers na nagsanay ng face-to-face at virtual teleconfe­rence ng pamahalaan ang pagkalat ng COVID-19 sa highland region ng Cordillera Autonomous Region (CAR) sa mga susunod na araw.

Sa nasabing kabuuang bilang ng contact tracers, 176 ang  nagsanay ng face-to-face sa Baguio City habang ang 395 ay nagsanay naman sa virtual teleconference na 119 nito ay mula sa sa Benguet; 90 sa Abra; 34 sa Apayao; 50 sa Ifugao; 60 sa Kalinga at 42 naman sa Mt. Province.

Nakasaad sa pagsasanay ay ang kahandaan sa emergency health responses, element and associated risks ng COVID-19, analyzing contact tracing tools and processes at ang cognitive interviewing techniques.

Itatalaga ang mga ito sa contact tracing teams sa ibat ibang lokal na pamahalaan na pangungunahan ng municipal o city health officers na may kasamang pulis, personnel ng Bureau of Fire Protection, Barangay Health Emergency Response team at volunteers mula sa civil society organizations.

Ang contact tracers ang magsasagawa ng interviews, public health risk assessment ng may kaso ng COVID-19 at identified close contacts o i-refer ang close contact sa isolation facilities.

Magiging lead agency ang DILG sa contact tracing alinsunod sa IATF Resolution No. 25 (DILG Memorandum Circular 2020-077) na  kung saan nakasaad na lahat ng LGUs ay kailangang mag-establish kani-kanilang task forces laban sa COVID-19 kabilang na ang contact tracing teams. MHAR BASCO

Comments are closed.