ISABELA – ITINALAGA ang bagong Division Commander ng 5th Infantry Division ng Philippine Army sa katauhan ni Brig. Gen. Alden Juan Masagca.
Pinalitan ni Masagca si retired Maj. Gen. Perfecto Rimando Jr. sa change of command sa Camp Melchor Upi Gamu.
Sa kanyang talumpati, ipinangako nito ang kanyang pagpapatuloy sa mga programa na naumpisahan na ni Rimando.
Sinabi nito na importante para sa kanila ang paglilinis sa mga lugar na apektado ng terorismo.
Dagdag pa niya, lagi namang handa ang kanilang pamunuan sa mga pag-atake na isasagawa ng mga nasabing grupo.
Samantala, tututukan naman ngayon ni Retired Maj Gen. Rimando ang kanyang pamilya dahil sa haba na rin ng panahon na inilaan nito sa pamahalaan. REY VELASCO
Comments are closed.