6 BAGAY NA DAPAT TANDAAN KUNG NAIS IBENTA ANG NEGOSYO

homer nievera

MAGANDA man ang takbo ng iyong negosyo ngayon, may mga panahong nagdidikta na kakailanganin mong pag-isipang ibenta na ito. Anuman ang dahilan, narito ang anim na tips para rito:

#1 Kumuha ng Consultant

Maraming aspeto ang pag-exit sa isang negosyo. Mas mainam na kumuha ng isang consultant na may kaalaman sa exit strategy. Siya ang mas makakaposisyon sa iyong negosyo patungo sa magandang exit.

#2 Timing

Huwag magbenta kung tumataas pa ang sales mo. Hintayin ang tamang panahon o timing para ikonsidera ang pagbebenta. Minsan, kailangan mo na talagang mag-exit anuman ang dahilan. Kaya naman tingnan mo pa rin ang tamang timing ng pagbebenta gaya ng pagsilip sa merkado sa halaga ng katulad na negosyo. Kung online ang negosyo, maraming tools na makikita online sa maaaring halaga ng negosyo mo.

#3 Pangalagaan ang mga Certifications at Lisensiya

Maraming impormasyon at dokumento na dapat pangalagaan ngayon pa lang. Malaki ang impact nito sa pagbebenta ng negosyo lalo na sa magiging halaga nito. Kung may ISO certificate ka, malaking bagay ito, at iba pang lisensiya na mayroon ka.

#4 Positibong Cash Flow

Ang maayos na cashflow ay siyang maitutu­ring na isa sa pinakamahalagang aspeto ng pagbili sa isang negosyo. Panatilihin ang integridad sa bagay na ito dahil ang bawat due-diligence ay nakapako sa ganitong aspeto ng cashflow o financial management. Mas positibo ang cashflow, mas malaki ang halaga ng negosyo.

#5 Empleyado

Ang maayos na skills ng bawat empleyado mo ay malaking halaga sa pagbebenta ng negosyo. Ayaw mahirapan ng susunod na magpapatakbo nito sa pag-maintain at paglago pa nito kaya mahalaga na maganda ang skillset ng mga empleyado mo. Kung may certifications sila, mas mainam.

#6 Integridad

Sa huli, ang integridad mo bilang negosyante ay ang pinakamahalagang aspeto na titingnan ng bibili ng negosyo mo. Panatilihin ito. Ang mapagkakatiwalaang reputasyon mo ang nakataya rito.

Nais mo mang mapalaki at mapatagal ang negos­yo mo, may mga dahilan kung bakit nanaisin mo nang ibenta ito. Anuman ang dahilan, maging masinop sa lahat ng bagay para mapanatiling maayos ang negosyo at maihanda sa exit nito.

Comments are closed.