Ang bawat tahanan ay kanlungan kung saan dapat kampante at panatag kang ligtas ka at ang iyong mga mahal sa buhay. Kaya naman importanteng mapanigurado ang kaligtasan ng buong tahanan hindi lamang para sa iyong “peace of mind” kundi para na rin sa kapakanan ng buong pamilya. Maraming aspetong kailangang suriin upang tiyakin na ligtas ang paligid, ngunit isa sa mga pinakaimportante ay ang pang-araw-araw na gawain: ang pagluluto.
Bilang pinagkakatiwalaang LPG brand sa bansa, ang Solane LPG ay nagbahagi ng ilang mga ‘Safety Tips’ sa bahay para matiyak ang kaligtasan sa kusina para sa “peace of mind” ng mga maybahay at ng buong pamilya.
Fire Safety
Isa sa mga pangunahing sanhi ng sunog sa bahay ay ang sunog mula sa kusina. Para maiwasan ito, ilayo sa kalan ang mga bagay na madaling pagmulan ng sunog o mga materyales na madaling sindihan kagaya ng tuwalya, paper towels, at mga basahan. Maari ring gumamit ng timer para sa saktong oras ng pagluto at siguraduhing may fire extinguisher sa kusina. Sa paggamit ng reliable LPG gaya ng Solane, siguradong ligtas ang tanke at tuloy-tuloy ang pagluto.
Proper Ventilation
Siguraduhing maayos ang daloy ng hangin sa kusina para hindi maipon ang usok o gas sa loob ng bahay. Gumamit ng exhaust fan o range hood para makatulong sa paglimita ng usok at cooking fumes at panatilihing maaliwalas ang kusina.
Safe Handling of Utensils and Appliances
Palaging gumamit ng oven mitts o pot holder kapag nagluluto para maiwasang mapaso sa mainit na kawali or kaldero. Itago ang matutulis na kutsilyo at iba pang delikadong kagamitan sa kusino at malayo sa pang-abot ng mga bata. Suriin din ang kitchen appliances upang masigurong wala itong sira o tanda ng pagkaluma.
Emergency Evacuation Plan
Gumawa ng emergency evacuation plan at ipaalam ito sa lahat ng miyembro ng pamilya. Pagsanayan ang mga fire drill sa bahay para matiyak na alam ng lahat kung paano makalabas ng bahay nang ligtas sa panahon ng panganib.
Regular Maintenance
Panitilihing maayos ang bawat parte ng bahay at suriin kung may mga isyu tulad ng tumatagas na tubo, mga kableng may sira, o maluluwag na hawakan. Kapag may makitang problema, ayusin ito agad upang walang mapahamak sa pamilya.
Avoid Distractions
Maraming distractions habang nagluluto, gaya ng mga tawag sa telepono, nakabukas na TV, or mga taong dumadaan at nakikipag-usap. May abala mang mangyari, panatilihing nakatutok sa pagluluto upang maiwasan ang mga aksidente. Dagdag na rin sa “peace of mind” ng mga maybahay ang paggamit ng Solane LPG dahil maasahan itong ligtas, high quality, at hindi makakagambala sa pagluluto.
Ang pananatili ng ligtas at maaliwalas na tahanan ay importante para sa pananatili ng peace of mind at kapakanan ng mga mahal sa buhay. Higit sa lahat, kritikal ang paniniguradong ligtas ang kusina, ang sentro ng tahanan kung saan hinahanda ang pagkain ng pamilya. Dahil dito, nananatiling dedikado ang Solane sa pangako nitong magbigay ng ligtas at maaasahang supply ng cooking gas upang tiyaking ligtas ang kusina at ang buong tahanan.
Sa pagsunod ng mga safety tips ng Solane, maaasahang masigla at may peace of mind ang pamilya sa sariling tahanan. Tandaan, ang safety ay dapat patuloy na ginagawa ng bawat miyembro ng pamilya, kaya’t manatiling maingat at mapanguna sa mga hakbang para protektahan ang bahay at ang buong pamilya.
To order verified Solane LPG, customers may call the Hatid Bahay Hotline at (02) 8887-5555, send a message to 0918-887-5555 (Smart) or 0917-897-7555 (Globe), or visit the Solane Facebook page. However, for the ultimate convenience, consider downloading the Solane LPG mobile app. It’s a one-stop solution for all your LPG needs, putting the power to order in the palm of your hand.