UPANG matiyak ang kaligtasan ng mga magtutungo sa sementeryo para sa paggunita ng mga pumanaw ngayong Araw ng mga Patay o Undas, itinaas din ni QCPD Director, Police Colonel Ronnie Montejo sa mataas na antas ang kanilang alerto.
Naka-deploy ngayon ang 2,444 uniformed at plain clothes policemen sa anim na sementeryo, 20 columbarium kabilang ang mga bus terminal at iba pang vital installations sa Quezon City.
May mga ilalagay ding mga Police Assistance Hubs ang QCPD malapit sa mga sementeryo at columbarium.
Inaasahan na rin ng pulisya ang deployment ng mahigit 2,952 force multipliers na binubuo ng medical, fire at rescue volunteers, mga tauhan ng MMDA, DPOS, at iba pang Non-Government Organizations.
“Bukod po sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa mga sementeryo at kolumbaryo, pinapaalalahanan din po natin ang ating mga kababayan na iwasan ang pagkakalat ng mga basura. Huwag po nating itapon ang mga basura kung saan-saan lalo na ang mga plastic o styro at kung puwede magdala na lang ng mga basurahan at iuwi na lang ang mga naipong basura,” saad pa ni Montejo.
Pahayag din ni Acting Director na muli ay pinapaalalahanan ang publiko lalo na ang mga aalis at iiwan ang kanilanng mga tahanan na siguruhin na naka-lock ang mga tahanan.
Maaaring tumawag sa Police Assistance Hubs (PAHs) para sa mga suspicious o untoward incidents upang agarang maaksyonan ang mga ito. Maari rin magtext o tumawag sa mga emergency o hotline numbers: I-send mo sa team NCRPO: Globe 09158888181, Smart 09999018181 at QCPD DD’S Tipline: 09178611870. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.