ZAMBALES –KUNG agad maipapasa ang Bitay bill posibleng maisalang sa bitay ang anim na Chinese matapos maharang ng mga tauhan ng Highway Patrol Goup, ISAFP at NICA palabas ng Tipo Gate, habang dala ang P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu.
Base sa inisyal na report, sakay ang mga suspek ng sasakyang may plakang XTP-513 alas-7:00 ng gabi noong Huwebes na naharang ng PNP-HPG at PDEA.
Ayon kay PNP-Highway Patrol Group Chief of Police Capt. Mark Abaja, pinatigil nila ang sasakyan dahil wala umano itong validating sticker, at walang lisensiya ang driver at hindi nakasuot ng seatbelt ang mga sakay nito.
Dahil dito agad isinagawa ang inspeksiyon kung saan nadiskubre ang umano’y shabu.
Nakuha rin sa kanila ang isang 45 calibre pistol, at 11 unit ng cellphone, mga identification card, pasaporte, mga cash to cash transaction at isang wallet. THONY ARCENAL
Comments are closed.