QUEZON CITY – HINDI na palalawigin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kanilang ultimatum na 60 araw para linisin ng mga alkalde ang kalsada.
Ito ang paglilinaw ni DILG Secretary Eduardo Año at ipinaliwanag na sapat na ang kanilang ibinigay na 60 days para magawa ng mga alkalde sa Metro Manila ang kanilang hamon na linisin sa road obstructions.
Aniya, dapat ay maging mahigpit sila sa ibinigay nilang deadline sa mga alkalde para maipakita rin sa publiko na seryoso sila sa pagsasaayos ng bansa.
Giit ng kalihim, – ang mga alkaldeng hindi makakasunod sa mandato ng DILG kaugnay sa road clearing operations ay posibleng masuspinde o matanggal sa puwesto. VERLIN RUIZ
Comments are closed.