60 GOV’T OFFICIALS NASUSPINDE, NASIBAK NG PACC

Greco Belgica

UMABOT na sa 60 opisyal ng pamahalaan ang naipasuspinde at napatanggal ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC).

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, 100% sinusunod ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang mga rekomendasyon.

Sa katunayan, may mga inirekomenda silang suspendihin lamang pero pagdating sa Pangulo ay kanyang sinisibak.

Bagama’t tumanggi si Belgica na magsabi ng pangalan ng mga napasibak na nila, ito aniya ay mga nasa kategorya ng cabinet at assistant secretaries. DWIZ882