CAMP AGUINALDO – UMABOT sa 62,268 indibidwal o 17,333 pamilya ang apektado ng nagdaang bagyong Samuel.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), ang mga naapektuhan ay mula sa 137 barangay sa Bicol Region, Central Visayas, at Eastern Visayas.
Sinabi ng NDRRMC na dalawang landslides ang naitala noong Martes sa Lope de Vega at Catubig, Northern Samar, kung saan limang bahay ang naapektuhan subalit wala namang napaulat na casualties.
Kabuuang 12 lugar sa Mimaropa at Eastern Visayan Region ang nalubog sa baha pero ayon sa NDRRMC humupa na ang mga ito sa ngayon.
Magugunitang anim na landfalls ang ginawa ni Samuel sa bansa magmula noong Miyerkoles.
Una ay sa Borongan City sa Eastern Samay at ang latest landfall nito ay sa Roxas, Palawan kahapon ng ala-1:00 ng madaling araw. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.