AKLAN – BUNSOD ng karamdaman kaya umano nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang 64-anyos na person with disabilities (PWD) sa Sitio Caigang, Brgy. Julita, Libacao.
Kinilala ni Captain Willian Aguirre, hepe ng Libacao Police Station, ang biktima na si Garcia Esto, residente ng naturang lugar.
Napaulat na isang araw ng nawawala ang biktima na ipinagbigay alam ng kanyang pamilya sa pamunuan ng barangay.
Kaugnay nito, habang naghahanap umano ng signal ng cellphone si Geline Orbistam, pamangkin ng biktima, na higit sa 500 metro lamang ang distansya mula sa kanilang bahay ay nadiskubre nito ang bangkay ni Esto na may nakatali ng lubid sa kanyang leeg at nakabitay na sa puno.
Ayon kay Aguirre na may sakit ang biktima at ito ang itinuturong dahilan ng kanyang pagpapatiwakal. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.