NAPATAY ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Army 90th Infantry Battalion at PNP Criminal Investigation and Detection Group-BARMM ang isang police character na itinuturing na 6th most wanted personality sa Maguindanao matapos ang inilunsad na law enforcement operation.
Armado ng warrant of arrest, natunton ng militar ang pinagtataguan ni Ebrahim Mudzol Ali, alyas Dalupang; sa Sitio Kiniputan, Poblacion Dalican, Datu Odi Sinsuat.
Ayon kay Maj. Arvin Encinas, tagapagsalita ng AFP Western Mindnao Command, hindi na nagawang makalapit pa ng mga sundalo at pulis sa hideout ng suspek para isilbi ang bitbit nilang warrant dahil sinalubong agad sila ng sunod-sunod na putok.
Nauwi ito sa engkuwentro kung saan ay gumanti na ng putok ang awtoridad na nagresulta sa kamatayan ng suspek.
Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang caliber 45 na may inserted magazine at mga bala. VERLIN RUIZ